Biblical Faith in Jesus Christ · Prophecies

Sa paparating na 666 — may aral bang mapupulot?

Ipagpaumanhin ninyo kung bakit sa tagal ko nang sumusulat nitong blog na ito, ang post na ito ay isinulat ko sa sariling wika natin. Nais ko kasing maintindihan ako ng mga magbabasa nito nang hindi na sila mahihirapang pagdugtung-dugtungin ang mga ideyang aking ilalathala dito.

Noong maliit ako, may isang illustrated na libro ang nanay ko – para siyang comics o graphic novel pero ang lahat ng nasa loob nito’y pawang mga aral mula sa libro ng Revelation.  Dahil sa mala-komiks ang paglalahad ng prophecy ng libro ng Revelation sa lesson na iyon, naging dugtungan na kuwento ito para sa akin tuwi ako pinatutulog ng tanghali ng nanay ko.

Noong makarating kami sa bahagi kung saan binanggit na ang numero ng paparating na Antikristo ay 666, tinanong ko kaagad sa nanay ko, “Bakit 666?  Bakit hindi 444?  Bakit hindi 888?”  Tumigil ang nanay ko sa kanyang pagkukuwento sa akin at sinabi niyang, “Hmmm, hindi ko din alam. Hayaan mo, pag-iisipan ko at ipapanalangin ko para magkaroon ako ng sagot para sa iyo.”

Ngayon lamang na ako ay 47 years old na, saka ko lamang napag-tanto dahil sa dami ko nang nabasa.  Ang bilang ng paparating na AntiKristo ay 666 sapagkat:

  1. Ang AntiKristo ay isa lamang sa tatlong katauhang lalabas sa panahon ng Dakilang Pighati (o Great Tribulation) na sisikaping gayahin ang Banal na Triune God.  Kung ang Banal na Diyos ay may tatlong persona: God the Father, God the Son at God the Holy Spirit; gagayahin ito noong Antikristo upang malinlang ang mga tao sa panahon ng Dakilang Pighati.  Ang tatlong bahagi ng Satanic Trinity ay ang AntiChrist, ang False Prophet at ang Great Red Dragon.  Makikita natin dito na ang trabaho ng demonyo na kaaway ng Diyos ay gayahin ang Diyos upang linlangin ang mga tao.  Ngunit, hindi nila kayang gayahin ang Diyos – lagi silang sablay ng isa (kaya 666) sapagkat ang Diyos ay 7 (the number of perfection).
  2.  Ang numerong 6 ay ang numero na sumasagisag sa tao at ang numerong 7 ang sumasagisag sa Diyos.  Ang taong si Adan ay nilalang sa ika-6 na araw.  Ipinag-utos ng Diyos sa Lumang Tipan sa mga Israelita na 6 na araw ang tao ay magtatrabaho, ngunit magpapahinga sa ika 7 araw.  Ang 3 ay sumasagisag sa Triune God, at ang doble nito na 6 ay sumasagisag sa tao.  Ang anim ay laging kulang ng isa para maging 7 – ang 7 ay numero ng perfection sa Bibliya, kung kaya’t ito ang numero na sumasagisag sa Diyos.

Ano ngayon ang halaga ng isang maliit na insight na ito?

  1. Kung paanong ang 6 ay di kailanman magiging 7 (dahil laging kulang ito), ang demonyo ay kailanman hindi magtatagumpay at kalianma’y hindi aabot sa pagiging Diyos.  Ang demonyo ay isang nilalang ng Diyos at ang isang nilalang ay kailanma’y hindi makakapantay sa Lumalang.  Itong katotohanang ito’y makapag-bibigay sa atin ng lakas ng loob at matibay na pananampalataya, na kung paanong ang Diyos Anak na si Hesus ay nanaig sa Krus ng Kalbaryo laban sa kamatayan, sa kasalanan, at sa demonyo, ang tagumpay Niyang ito, ay maaari din nating matamo kay Kristo.  Sa dahilang ito, tayo ay hindi na alipin ng demonyo pagka’t tayo’y pinalaya na ni Kristo.
  2. Makikita din natin dito, ang nature o katangian ng kasalanan.   Kung paanong ang 6 ay laging kulang ng 1 para maging 7 ang lahat ng adhikain ng tao, ang lahat ng hangarin at lahat ng kilos at galaw ng isip ng tao, kalian ma’y hindi maka-aabot sa luwalhati ng Diyos.  Ang pagiging makasalanan ay pagkakaroon ng isang moral disability – hindi natin kayang abutin ang luwalhati ng Diyos.  Hindi natin kayang abutin ang standards o panuntunan ng Diyos at lalo na ang kabanalan ng Diyos.  Dahil dito, lalakas ang pananalig natin kay Hesus dahil siya lamang ang ating tanging pag-asa na maka-abot sa Diyos. We can only approach the Holy God through Jesus Christ our Lord.  We can only come before the presence of the Holy God because the Righteousness of Christ covers.  Ang Krus ng Kalbaryo ang tanging daan upang tayo’y marating sa kaluwalhatian ng Diyos.  Ito’y totoo sa kaligtasan at ito’y totoo din sa praktikal na buhay Kristiyano.
  3. Makikita din natin na kahit na ang ating best efforts ay hindi pa rin aabot sa kaluwalhatian ng Diyos.  The best of our intellect cannot grasp God.  The best of our emotions cannot grasp God.  Wala tayong magagawa upang maka-abot sa Diyos.  Humans always miss the mark.  Humans always miss the point.  Humans always come short of God’s expectations.  Dahil dito, makikita natin ang ating kawalan ng kapangyarihan, kawalan ng anking lakas o gilas.  Ang tanging paraan upang mapagtagumpayan ang ating “self” o makalumang pagkatao, ang mundo, ang kasalanan at ang demonyo ay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ni Hesus.
  4. Makikita din natin dito, na ang mga gawaing ispirituwal ay hindi dapat nakasalalay sa mga sarili nating idea.  Ang gawain ng Diyos ay kailangang ganapin ayon sa ilalim ng kalooban ng Diyos.  Ang bawat kilos at galaw sa buhay ispirituwal at sa buhay paglilingkod ay dapat na ayon sa pagpapasakop sa kalooban at kapangyarihan ng Diyos.

Dito ko nais na magbigay diin.

Minsan, akala natin dahil sa tayo’y ligtas na at tayo’y maraming taon nang anak ng Diyos, alam na natin kung ano ang dapat nating gawin o ikilos at iasal.  Nalilimutan nating ang ating “self” o “old nature” bagamat namatay nang kasama ni Hesus sa Krus ng Kalbaryo ay pilit pa ring bumabangon upang subukang mag-hari sa ating buhay.

Kaya nga ang pamamanhik ni Apostol Pablo sa Romans 6 ay: Reckon yourselves to be dead indeed unto sin.  Ibig sabihin nito’y sa araw araw, sa bawat desisyon at sa bawat kilos, bago ka gumawa ng isang bagay, lilimiin mo muna sa iyong isip kung ang kilos ba at desisyon at ayon sa lumang pagkatao, sa ating SELF o ito ay ayon sa kilos ng Espiritu Santo?  Parating may sigalot sa pagitan ng bagong nature natin at iyong ating lumang nature.  Kung alin sa kanila ang ating bibigyang puwang ng layaw, iyon ang nananaig.

Paano natin malalaman kung ano ang mga bagay na umaayon sa kalooban ng Diyos at ano ang mula sa kalaban ng Diyos:

Mula sa Kalaban ng Diyos                                    Mula sa Kalooban ng Diyos

Itinataas ang sarili                                                  Itinataas ang Diyos

Niluluwalhati ang sarili                                         Niluluwalhati ang Diyos

Hangad ang matanyag ng madla                       Hangad ay malugod ang Diyos

Hangad ay tanggapin ng madla                         Hangad ay approved ng Diyos

 

 

Bakit ko nasasabi ang lahat ng mga bagay na ito?

Kahapon ay nagsalita ako ng mariin sa mga YP ng aming simbahan dahil sa kanilang mga hindi kanais-nais na mga post.  Ang isang reaksiyon na aking napansin (at inasahan na) ay ang magkibit balikat ang mga YP at sabihin, “sa akin naman, OK lang yung post ko – wala akong nakikitang mali sa aking ipinost sa facebook.”

Ito ang aking tugon:  Iyon bang post mo ay aangkop sa mga hangarin ng Kalooban ng Diyos o sa Kalaban ng Diyos?

Anything that is of the world, is enmity against God.  Anything that is highly esteemed of men (iyon bang papalakpakan ng madla) ay kamuhi-muhi sa Diyos.  Tanong ko ngayon, pag tinanaw natin ang mga facebook photos na inyong ipinag-lalalagay sa mga wall at newsfeed ninyo, ito ba’y saan sasailalim?  Kayo na ang sumagot dito.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *